Trending
Galit ang nangibabaw sa mga netizens nang makita ang larawan ng kasal isang 12 taong gulang na babae sa isang lalaki na halos mapagkakamalan na kanyang lolo.
Napag alaman ang kasal ay naganap sa Lebanon at ang akala ng ilan ay kasal ngunit napatunayan na ang mga ito ay mga artista lamang.
Ganun na lamang ang galit na naramdaman ng ilan sa inaaakala ay isa na namang kaso ng ‘child marriage’ dahil hanggang ngayon, ay mga sitwasyong kagaya nito ay nangyayari pa rin kagaya sa mga bansang kagaya ng Lebanon, Iran, Iraq, Syria at India.
Inaasahan na halos 37,000 child marriages ang nagaganap araw-araw kung kaya’t ang organisasyon na KAFA, enough sa wikang Arabo, ay gumawa ng video sa pag-asang ito ay pupukaw ng atensyon ukol sa nasabing sitwasyon.
Tunay naman na kahindik hindik isipin na ang isang batang babae edad 12 taon ay pwersahang ipinakakasal sa matatandang lalaki. Ngunit, sa kasamaang palad, mismong sa California sa Amerika, ay walang minimum age para makapagpakasal. Nangangahulugan ito na kahit sino sa Amerika ay maaaring magpakasal, kahit gaano ba kabata ang edad nila, kinakailangan lang ng parental consent at ng pagsang ayon ng huwes.
Gayunpaman, iba pa rin ang sitwasyon ng mga pwersahang kasalan sa Lebanon, Syria at iba pang bansa.
Sa Syria, maaari nang magpakasal sa edad na 17 ang babae at 18 naman sa lalaki. Ngunit, ang kanilang mga religious leaders ay may awtoridad na magpakasal sa kahit na sino edad 13 pataas.
Hindi biro ang sitwasyon na nagaganap sa ibang bansa. Ang usapin tungkol sa mga child brides ay matagal nang issue ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng solusyon. ANg tradisyon ay nararapat lamang irespeto ngunit kung ito ay umaabuso sa karapatang pantao ng mamamayan, lalo na ng mga bata, hanggang saan at kailan papahintulutan ang gawain na ito?
COMMENTS