Solo flight,
Isang babaeng pasahero ng Philippine Airlines ang nagkaron ng isang kakaibang karanasan - mag literal na ‘solo flight’.
Sa kanyang byahe mula Davao papuntang Maynila, napansin ni Louisa Erispe na nag-iisa lamang siya na pasahero ng Philippine Airlines flight PR 2820. Papunta si Erispe sa Maynila sa flight na halos bisperas ng pasko.
Bukod sa mga crew at piloto, makikita sa mga larawan na ipinost ni Erispe sa kanyang Facebook account na siya lamang ang sakay ng nabanggit na eroplano.
“Hindi ko alam kung anong ibig sabihin or kung ano ang dapat kong isipin. But I’ll be flying alone tonight sa plane. No other passenger, ako lang.” saad ni Erispe.
Inamin niya na siya ay kinakabahan at ninenerbyos ngunit tanging panalangin lamang ang naging sagot upang gabayan ang kanyang byahe.
Matapos ang kanyang flight, ibinahagi ng babae ang kanyang naging karanasan sa kanyang solo flight.
“Nakalipad po ako ng maayos and nakapagpalipat lipat ako ng upuan.” – dagdag nya.
Thank you po Capt. Khalil Faustino and the rest of the crew for the safe and remarkable trip. God Bless po.”
Pinasalamatan ni Erispe ang mga PAL crew at ang kapitan nito sa naging matagumpay na byahe at sinabi nya pang “Kudos to Phillippine Airlines na nilipad pa rin ako. The best airline so far.”
Ayon sa mga ilang kumento, ang nasabing memorable trip ni Erispe ay nangyare lamang dahil na-rebooked ng maaga ang kanyang flight. Habang kinokontak ng PAL ang mga pasahero para sa panibagong schedule ng flight, nag iisa lamang si Erispe na hindi nila nakontak para sa confirmation ng schedule.
Si Erispe, isang news correspondent ng PTV ay na-booked ng kanyang kumpanya. Kaya naman nung dumating si Erispe, napag desisyunan nya na lumipad na lang para sa 11 pm na flight.
Habang ang iba naman ay nag labas ng positibong saloobin para sa naging serbisyo ng PAL, sinasabi naman ng iba na nangyayare ang mga ganung pangyayari lalo na kapag may mga naghihintay na pasahero at kailangan ng bumyahe.
COMMENTS