Aging,
Ang susi upang magkaroon ng mahabang buhay, malusog na pangangatawan at maging parang bata ay sa pamamagitan ng wastong nutrisyon.Bawat selula ng katawan ay nangangailangan ng tamang nutrisyon upang gumana ng maayos ang mga organ ng katawan.
Ang pagkain ng masusutansya ay hindi lamang makakatulong upang magmukhang bata ang isang tao, nakakatulong ito upang makaiwas sa mga sakit.
Ito ang mga pagkain na may kakayahan na makatulong sa pagpapanatili ng makinis at batang katawan:
1.Tsokolate
May antioxidants ang tsokolate na tumutulong labanan ang free radicals, isa sa mga dahilan ng maagang pag edad ng katawan ng tao. Mas mainam kung dark chocolate dahil mas marami itong taglay na benepisyo.
2. Itlog
Ang itlog ay nagtataglay ng sphingolipids, isang compound na nagpapaganda ng balat at nakakatulong sa pagpapatalas ng utak.
3. Salmon
Ang isdang salmon ay may essential fatty acids na mabuti para sa brain cells.
4. Cauliflower
Meron itong sulforaphane na tumutulong sa pagtunaw ng mga luma at abnormal na protina sa katawan. Nagsisilbing antioxidant din ang sulforaphane, nilalabanan nito ang free radicals na isang sanhi ng premature aging.
5. Mangga
Mataas ang taglay nitong bitamina na nakakatulong sa malinaw na paningin.
6. Karne ng baka
Nagtataglay ito ng Bitamina D na kinakailangan para sa matibay na buto. Kilala rin ang karne ng baka na nagtataglay ng antioxidants, lalo na ang mga organic na karne nito o yung mga grass-fed dahil wala silang antibiotic sa katawan.
7. Avocado
Ang fats na makikita sa Avocado ay healthy. Nakakapagpababa rin ito ng cholesterol basta’t tamang dami lamang ang inyong makokonsumo. Mataas din ang taglay na vitamin C, potassium, antioxidant at mayaman sa folic acid.
8. Keso
Mayaman sa spermidine ang keso na tumutulong upang maging malusog ang puso at matalas ang memorya.
9. Legumes

Ang mga beans ay mayroong saponin, nagpapalakas ito ng immune system, nakakapagpababa ng kolesterol at tumutulong makontrol ang asukal sa pangangatawan.
COMMENTS