Homework Issue
Kamakailan lamang, naghain ng dalawang magkahiwalay na panukalang batas sa Kamara na nagsusulong ng "no-homework policy" para sa mga estudyante mula kindergarten hanggang high school.
Ayon ng House Bill No. 3611 na alisin ang mga takdang aralin na ibibigay sa mga estudyante tuwing katapusan ng linggo at bawasan ang mga aktibidad na ibibigay sa paaralan upang magkaroon pa rin ng oras ang mga estudyante na makipag-bonding sa kanilang pamilya tuwing sila ay uuwi sa kanilang paaralan.
Sa pamamagitan din ng nasabing batas na inihain ni Deputy Speaker Evelina Escudero, layon nito na iwan ang mga libro ng mga estudyante sa paaralan ng sa gayon ay hindi na sila makapagbuhat ng mabibigat na gamit dahil ito din ay maaaring maging isang sanhi ng masamang kalusugan.
Ayon kay Escudero,
“Homework assignments can deprive students and parents precious quality time for rest, relaxation and interaction after school hours and even on weekends.”
Sa kabilang banda, ang House Bill 3883 na ipinanukala ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, layon nito na iwasan ang magbigay ng maraming takdang aralin tuwing weekends sa mga estudyante.
Ani Vargas,
“In addition, a few landmark studies have suggested that homework does impact upon family life, in some cases in a negative way… yet in general, it is positively associated with academic achievement.”
Ang hindi susunod na guro sa no-homework police, ay makukulong ng isa hanggang dalawang tao o magmumulta ng P50,000 sa ilalim ng panukalang batas na inihain ni Vargas.
Ang ating mga netizens naman ay may iba't ibang reaksyon ukol sa panukalang batas. Ang iba sa kanila ay natutuwa sa nasabing batas dahil maaari na itong maging isang way para mapahinga ang kanilang mga anak ngunit may iba sa kanila na hindi sang-ayon sa batas dahil ito ay magiging sanhi upang mas lalo pang maging tamad ang mga estudyante.
Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:
"Honestly speaking its a quality bonding for parents to their children in helping their assignments rather than playing with their gadgets while parents busy sa fb..."
"Homeworks can also be a way to have a family bonding together every night. It's truly acceptable if teachers will not give homeworks every friday and it is a good practice in our school for years now. If this will be the case that teachers are capable of such "paparusahan" if they will be giving homeworks to students, why not let us be fair to lessen the paperworks of teachers as well."
"Giving of homework can enhance students' learning. Haha, I am not in favor of that bill. My goodness you are putting children to become lazzzzzyyyy!"
"Sana sa pagbigay ng oras ng mga bata sa pamilya. May magulang din magbibigay ng oras din nila para sa kanilang mga anak. Walang silbi ang batas kung mismong magulang walang pakialam. Mas lalong nakakatamad."
COMMENTS