Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa National ID At Paano Makaka-Avail Nito

National ID



Sa pag lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “National ID System Act” noong nakaraang Agosto 6, inaasahan na ang lahat ng Pilipino ay magpaparehistro sa bagong sistema at magkaroon ng kanilang sariling pambansang ID.

Ang “Phil ID” ay magsisilbing solong opisyal na ID card para sa lahat ng mamamayang Pilipino pati na rin sa mga dayuhang residente na naninirahan sa bansa. Ngunit ano nga ba talaga ang kahulugan nito sa ating mga Pilipino? Narito ang ilan sa mga pangunahing impormasyon patungkol sa bagomg sistema ng pambansang ID.

Kasabay ng kaunlarang ating tinatamasa, ang isang sentralisado “citizen information database” ay ipapatupad sa buong bansa upang mapabilis at mapahusay ang pagbigay tulong at transaksyon ng mg serbisyong mula sa gobyerno.



Higit pa riyan, ang mga Pilipino ay hindi na kailangang mag aplay para sa sandamakmak na ID na tipikal na kumakain ng mahabang oras o panahon bago maibigay ng gobyerno. Hindi na rin kailangang magpakita ng maraming “ID cards” sa mga “requirements” o mga hinihinging doukumnet ng gobyerno at mga pribadong institusyon na kinakailangan bago mag tuloy sa o mag proseso ng ibat ibang transaksyon.

Paano nga ba ang sistema ng “National ID”?

Ang bawat residente ay inaasahang mag parehistri sa sistema at sila ay bibigyan ng tinatawag na “randomly-genrated unique, permanent ID number” o mga numero na itatalaga sa bawat residente ng Pilipinas. Ito rin ay kilala bilang “Common Reference Number” o CRN.



Ang mga impormasyon na kinakailangang ibigay ng mga magpaparehistro ay: pangalan, kasarian, kapanganakan, permanenting tirahan, “biometric information” o mga pagkakakilalanlan sa muka o katawan ng tao gaya ng “facial image, fingerprints, iris scan”, at iba pa. Ang numero sa telepono o “cellphone number” at ang “e-mail address” ay opsyonal lamang.

Para naman sa mas detalyadong impormasyon ukol sa pambansang ID, narito ang mga katanungang madalas na ibinabato ng mga nais magparehistro:

1. Anu nga ba ang mga kailangan upang magparehistro?

a. Para sa mga lokal na residente ng Pilipinas: kaialangan ng sertipiko ng kapanganakan mula sa PSA o “Philipine Statistic Authority”

b. Para naman sa mga dayuhang residente ng Pilipinas: kailanga ng sertipiko ng katunayan na kayo ay residente ng Pilipinas

Tandaan: Maaring humingi ang gobyerno ng karagdang dokumento sa kanilang pagsusuri



2. Magkano ba ang bayad upang mag parehistro?

Libre ang magpa rehistro, walang bayad. Hinihikayat din ang mga Pilipino na nakatira sa iban bansa na magparehistro sa embahada o sa opisina ng konsul sa bansang kanilang tinitrhan

3. Saan nga ba magagamit ang Phil ID o Nasyonal na identipikiasyon?

a. Sa pag aaplay ng pasaporte at lisensya sa pagmamaneho
b. Sa pag aaplay sa “social welfare” at benepisyo mula dito
c. Sa mga paaralan, kolehiyo, unibersidad at iba pang institusyon ng pag aaral.
d. Sa pag aaplay sa mga serbisyong inaalok ng GSIS, SSS, Phil Health, Pag Ibig at iba pang ahensya ng gobyerno
e. Sa pag aaplay ng trabaho at mga kaugnay na transaksyon dito
f. Para sa pagpaparehistro ng “voters ID”
g. Mga transakyon na may kaugnayan sa buwis
h. Sa pag bukas ng mga “account” sa banko at iba pang transaksyon sa bangko at institusyong pang pinansyal
i. Sa pag beripika sa mga talaan ng kriminal at “clearances”
j. At iba pang transaksyon na nakapaloob sa patakaran o regulasyon ng batas na ito o “Implementing Rules and Regulation” (IRR)



4. Sino ang maghahawak ng lahat ng impormasyong nakapaloob dito

Ang “National ID System” ay hawak ng PSA o “Philipine Statistic Authority” na dating kilala bilang NSO. Sila ang nakatalagang mag ayos at mag panatili. Ito rin ang isa sa mga sanagay ng gobyerno kung saan tayo ay nakakakuha ng kopya ng ating “certified civil registry documents” na pinagmumulan ng ating “birth, marriage, death certificats” maging ang CENOMAR o “Certificate of no marriage”

Sa ilalim ng maayos na pamamalakad ng atinig Presidente, lahat ng Pilipino ay matatamasa ang mga benepisyong kagaya nito, na inaasahang magbibigay ng positibong epekto sa ating lipunan maging sa buong bansa.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa National ID At Paano Makaka-Avail Nito
Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa National ID At Paano Makaka-Avail Nito
National ID
https://1.bp.blogspot.com/-CaiGbhbuyU8/XV6o4BYA6-I/AAAAAAABpYY/eZueD8zwQ2Av7k90MoDSkjXzt7_bCvQcACLcBGAs/s640/national%2BID%2527.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-CaiGbhbuyU8/XV6o4BYA6-I/AAAAAAABpYY/eZueD8zwQ2Av7k90MoDSkjXzt7_bCvQcACLcBGAs/s72-c/national%2BID%2527.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/08/mga-dapat-mong-malaman-tungkol-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/08/mga-dapat-mong-malaman-tungkol-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy