Biringan Lost city
Ang biringan City ay hindi isang nawawalang lungsod, hindi katulad ng El Dorado o Atlantis. Ngunit hindi ito nakikita. Maaari lamang itong mapuntahan kung ito ay gusto ng mga engkanto.
Ang nakatagong lungsod ay makikita sa Hilagang bahagi ng Samar. Ito ay matatagpuan sa isang lugar sa timog ng munisipalidad ng Catarman. Ang isang malaking kagubatan na lugar ay matatagpuan sa lugar kung saan natagpuan ang Biringan City, kung ikaw ay titingin sa mapa.
Ang biringan ay nangangahulugan ng "the black city" sa Waray, at lokal na dayalekto para sa "hanapan ng mga nawawala – where one finds the lost”. Ang Biringan ay isang lugar kung saan ang mga engkantos, espiritu na may kakayahang lumitaw sa anyong tao, ay nabubuhay, base sa lore.
May ilang tao ang nagsasabi na nakita at napuntahan na nila ang hindi nakikitang lugar. Ang kanilang mga statements ay talagang nakakakumbinsi at pare-parehas kung kaya't ang mga explorers at artists sa buong mundo ay naging interesado dito.
Ang mga taong nakakita na sa lungsod ay inihahambing ang Biringan sa Hong Kong or New York. Mayroon itong napakalaking mga gusali na may nakakamahang arkitektura na hindi pa nalilikha sa modernong arkitektura, sa halip na mga skyscrapers. Ngunit, ang mga taong nakakakita dito ay hindi na bumabalik ng normal.
Iyan din ang isang dahilan kung bakit ang mga lokal sa Samar ay natatakot at nagugulat kapag may isang tao ang nagbabanggit sa pangalan ng siyudad.
Sinasabi nila na ang mga taong bumibisita sa lugar ay naloloko ng lugar dahil ang siyudad ay nangangailangan ng kanilang bibiktimahin.
Ang iba naman sa kanila ay nagsasabi na kung ikaw ay bibisita sa Biringan, kailangan mong maging maingat at ipagdasal ang iyong sarili dahil ikaw ay pag-aari na ng d3monyo.
COMMENTS