OFW,
Hindi na biro ang tinatamasang kahirapan ng mga Pilipino sa Pilipinas. Ito na ang karaniwang naging dahilan kung bakit talamak na rin ang krimen at pagbebenta ng iligal na droga sa Pilipinas. At kadalasan, para maibsan ang kahirapan at maiahon ang pamilya sa Pilipinas, marami sa ating mga kababayan ang napipilitang magsakripisyo at makipagsapalaran sa ibang bansa.
Mas malaki kasi ang pasahod sa ibang bansa kumpara dito sa atin sa Pilipinas kung kayaÃt kahit sa pagiging kasambahay ay pinapasok nila. Ngunit gaano nga ba kalaki ang sinasahod ngmga Domestic Helper o DH sa ibang bansa?
Pinakamababang sinasahod ng mga kasambahay sa ibang bansa ay P18,000 at ang pinakamataas naman ay umaabot ng P200,000. Depende ito sa bawat bansang kanilang pinupuntahan.
1. Bahrain - P21,000
2. Brunei - P20,000
3. China - P45,000
4. Cyprus - P23, 000
5. Canada - P570 ang kanilang kada oras
6. Dubai - P20, 500
7. Egypt - P35, 000
8. France - P37,000
9. Guam - P38, 000
10. Hong Kong - maaaring kumita ang mga DH na Pinay sa Hongkong ng mahigit P51, 000.
11. Ireland - bagama't hindi pa naman kumpirmado, may isang testimonyang nagsabi na P250,000 raw ang kaniyang kinikita.
12. Israel - P65,000
13. Japan - P61,000
14. Kuwait - P20,000
15. Saudi Arabia - P26,000
16. Malaysia - P18,000
17. Macau - P41,000
18. Morrocco - P21,000
19. Oman - P18,000
20. Qatar - P20,000
21. Singapore - P27,000
Kung ating ikukumpara ang normal na pasahod para sa mga kasambahay dito sa Pilipinas, napakalaki ng diperensya nito sa ibang bansa. Ang mga sahod nila sa ibang bansa ay mas malaki pa kaysa sa propesyonal dito sa Pilipinas.
Hindi na rin nakapagtataka kung bakit mas pinipili nilang mangibang bansa kaysa dito magtrabaho sa Pilipinas dahil halatang kaya nilang bigyan ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya sa Pilipinas habang nagtatrabaho sila sa ibang bansa.
Itinuturing rin silang mga buhay na mga bayani ng ating bansa dahil sa malaking pera na naipapasok nila sa ating bansa.
COMMENTS