Saving Tips, Maricar Reyes, Richard Poon
Ang gastos sa pamumuhay ngayon ay hindi maikakailang tumataas, lalo na ang mga bayarin sa mga pangunahing bilihin. Para sa ilang mag-asawa, talaga namang may kahirapan sa pag babadyet ng kanilang mga suweldo para sa mga pangangailangan ng buong pamilya. Gayunpaman, nagbahagi ang mag-asawang artisa na si Maricar Reyes at mang-aawit na si Richard Poon ng kanilang mga pamamaraan at nagsabing maaari pa ring maiayos o mapagkasya ang pera sa simpleng pamamaraan.
Ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang lihim sa isang vlog na na-upload sa kanilang Youtube channel na tumutugon sa isang problema ng isa sa kanilang mga tagasunod. Tinawag nila ang pamamaraang ito ng pagbabadyet bilang isang "system ng sobre".
Ayon sa mag-asawa, ang tagasunod na ito ay baon sa utang na may malaking halaga. Ito ay mula sa aplikasyon o “mobile app” ng pautang na maaaring ma-download sa iyong “cellphone”.
Ang pautang sa “mobile app”, tulad ng inilarawan ni Maricar sa isa pang video, ay nagbibigay ng mga pautang ng wala masyadong hinihinging “requirements” at may mabilis ang pag-apruba. Kaya lang, magkakaroon naman ng “access” ang mga app na ito sa lahat ng iyong mga “contact” o numero sa iyong telepono at makakapagpadala ng isang “text message” sa kanilang lahat kapag hindi mo pa nabayaran ang iyong utang.
Kaya naman pinayuhan nila ang batang babae na magsagawa ng pagbabadyet ng kanyang mga gaastusin at subukan ang sistemang sobre na kanilang ginagawa. Nalaman daw ni Richard ang "envelope system" mula sa kanyang kaibigan at tagapagsalita sa pananalapi o “finance speaker” na si Chinkee Tan.
"Tinuro sa akin ni Chinkee ang mga iyon noong ako ay naglayas sa bahay. Napakahusay, talagang nakakatulong sa akin," aniya. "Ito talaga ang ginawa ko noong pitong taon akong may utan. Ang 'system ng sobre,' tulad ng iminumungkahi ng pangalan, ay isang paraan ng paghiwalay ng iyong pera sa iba't ibang mga sobre para sa ibat ibang uri ng gastos."
Halimbawa, ang suweldo mo ay P14,000. Sa tuwing nakukuha mo ang iyong suweldo ilagay ito kaagad sa bawat sobre. Lagyan ng label ang iyong unang sobre bilang "5% na utang," ibig sabihin, ilalagay mo ang limang porsyento ng iyong suweldo sa sobra na gagamitin mo upang magbayad ng isang parte ng iyong utang. Ang porsyento ay maaaring mag-iba ayon sa kung magkano ang maaari mong ilalaan mula sa iyong buwanang suweldo.
Nabanggit din nila na mas madaling mag bayad iyong utang kung painut inutu o installment ang gagwin kaysa isang bagsak. Sa pamamagitan nito, mas magaan sa bulsa at maaari mong kontrolin ang iyong paggastos. "Kaya maraming hindi nakakabayad ng utang dahil gusto nila ng isang bayaran na pang malakihan ang gagawin. Mali yun, ”aniya.
Para naman sa sumunod na sobre, lagyan ng label na "renta ng bahay" kung nagbabayad din sa upa ng bahay. Dagdag pa niya, "Kung kinsenas ang suweldo mo, yung kalahati, itago mo na”.
Sinabi ng mag-asawa na maaari kang gumawa ng maraming mga sobre kung kinakailangan. Sa dulo, dapat alam mo kung saan napupunta ang iyong pera para hindi ka matuksong gamitin ito. Sabi nga nila, "wala sa paningin, wala sa isip," di ba?
Matutong mag ipit ng pera o mag badyet lalo na kung may mga utang na kailangang bayaran upang hindi mabaon dito.
COMMENTS