Liza Soberano
Hindi maikakaila ang pananabik ni Liza Soberano sa kanyang pag babalik aral. Laking ikinatuwa pa nito ng makita niya ang kapwa aktres na si Jodi Sta. Maria na nasa huling semestre na bago magtapos ng kolehiyo. Parehong kumukuha ng diploma o “degree” sa Psychology ang dalwang aktres na nagaaral sa parehong paaralan.
Isang buwan matapos ang kanyang operasyon sa Estados Unidos, si Liza Soberano ay tapos nang mag pagaling at ngayon ay nagbabalik sa kanyang mga plano sa buhay. Una nga sa kanyang mga plano ay ang kanya ngang pag babalik aral. Ibinahagi ni Liza kung gaano siya nasisiyahan na bumalik sa kanyang international school at mag-aaral ng mabuti.
Ipinaskil din nito ang mga magagandang larawan kasama ang kanyang guro. Sabi pa ni Liza, "Ang pinakagusto ko sa pagiging mag-aaral ay ang kagalakan ng pagtuklas ng mga bagong bagay at pagpapahalaga sa kung anong mga bagay na maaring ibigay ng buhay. Malugod akong muling nakabalik. "
Si Liza ay kumukuha ng degree sa BS Psychology sa Southville International School and Colleges. Sa ilalim ng programang INNOVE Education Solution ng Southville, ang mga kilalang tao tulad ni Liza ay kinakailangan lamang na pumasok sa paaralan ng hindi bababa sa isang beses sa isang linggo para sa nakasulat na pagsusuri, hands-on na pagsasanay at mga lektura.
Nauna nang ibinahagi ng aktres na kinuha niya ang Psychology bilang isang pre-law course ngunit ngayon ay natutuon ang kanyang atensyon sa Psychology.
"Nais kong ito ay maging aking pre-law, ngunit sa ngayon ay gusto kong higit na pag aralan ang panig ng sikolohiya sa halip ng batas," sabi ni Liza.
Ang "Bagani" star na si Liza ay nakapag talastasan rin sa kanyang kapwa aktres na isa ring "future Psychologist" na si Jodi Sta Maria Nasa huling semester na si Jodi bago siya makapagtapos ng kolehiyo. Nakapag tapos ang batiking aktres na ito bilang isang top honor student na may 3.8 GPA sa kanyang nakaraang semester.
Nauna na rin niyang sinabi na tinitingnan niya ang pagkuha ng Master's degree kapag natapos niya ang kanyang undergraduate na pag-aaral. Ibinahagi din niya na kinuha niya ang Psychology upang matulungan ang mga tao na makayanan ang mga isyu sa kalusugan ng kaisipan.
COMMENTS