fat, Morning habits,
Problema mo ba ang iyong timbang? Pakiramdam mo ba ay iniwan ka na ng lahat pwera lang ng iyong taba at bilbil?
Kung ikaw ay nagdidiyeta, pero hindi nagbabago ang timbang; nag eehersisyo, pero malaki pa rin ang bewang at kung tingin mo ay ginawa mo na ang lahat para sa pangarap mong pangangatawan - marahil kailangan mong baguhin ang iyong ugali.
Sa ingles, mayroong tinatawag na ‘habit’ o ugali. Ito ay bagay o mga bagay na nakaugalian mo nang gawin sa araw-araw. Ibig sabihin, hindi mo ito ginagawa dahil gusto mo lamang o may gusto kang makamit na ‘end goal’. Ito ay ginagawa mo bilang bahagi na ng iyong pamumuhay.
Mayron limang habits o kaugalian na dapat mong iwasan na maaaring sanhi kung bakit hindi nababawasan ang iyong timbang.
1.Sobrang pagtulog
Ang cortisol ay isang hormona o hormone na inilalabas ng katawan sa oras ng pagtulog. Ang pangunahing epekto nito ay ang paglakas ng appetite o gana sa pagkain. Isang pag-aaral na isinagawa sa Amerika ay ay napagalaman na ang pagtulog ng mahigit sa sampung oras ay nagpapataas ng panganib ng pagkakaroon ng mataas na BMI o tinatawag na Body Mass Index kumapara sa mga natutulog ng pito hanggang siyam na oras.
2. Kakulangan sa ‘sunshine vitamin’
Pagkagising sa umaga, mairerekomanda na dapat ay buksan ang mga bintana o kurtina upang makapasok ang liwanag ng araw sa kwarto. Ayon sa isang pagsasaliksik, marami sa mga tao na nagpapa araw tuwing umaga ay di hamak na mas mababa ang BMI kesa sa mga taong palaging nasa madilim na kwarto lamang o lugar.
3. Hindi nagliligpit ng kama o tulugan.
Ayon sa National Sleep Foundation, ang mga taong nag-aayos ng kama pagkagising sa umaga ay 19 posryento na nakakatulog ng maayos kesa sa mga taong hindi inaayos ang kanilang pinagtulugan. Malaki ang koneksyon ng maayos na pagtulog sa BMI.
Sa libro na inilathala ni Charles Duhigg, ang The Power of Habit, sinabi niya na ang pag-aayos ng higaan tuwing umaga ay may domino effect sa sa ugali ng isang tao.
4. Hindi tinitimbang ang sarili.
Sa pag-aaral na ginawa ng mga researchers mula sa Cornwell University, 162 sa mga babae at lalaki na labis ang timbang na kasali sa kanilang pag-aaral ay tinimbang ang kanilang mga sarili araw-araw at nabawasan ang timbang. Pinakamagandang timbangin ang sarili pagkagising sa umaga, dahil wala itong tinatawag na water weight.
5. Hindi nag-aalmusal
Ayon sa isang pagsasaliksik, ang isang taong hindi kumakain ng almusal ay mas lalong nadadagdagan ng average na 6.8 percent ang kinokonsumong pagkain sa maghapon.
COMMENTS