Lansones: Isang Ordinaryong Prutas Na Meron Tinataglay Na 10 Kakaibang Benepisyo

Lanzones



Ang ating bansa ay likas na mayaman sa pagkaing tropikal. Napakaraming mga prutas ang maaaring matagpuan dito. Hindi na siguro nakakagulat kung ang mga biyayang prutas na ating maipagmamalaki ay likas din sa mga bagay na may malaking pakinabang sa ating kalusugan.

Isa na nga rito ang eksotikong prutas na Lansium parasiticum o mas kilala sa tawag na lanzones o langsat. Ito ay isang nakakaing prutas na hugis-itlog at may kulay-abo-dilaw hanggang maputlang kayumanggi na balat. Ang kakaibang prutas na ito, na naglalaman ng mapait na mga buto, ay karaniwang kinakain matapos matanggal ang manipis na balat nito. Mayroon itong matamis-maasim at kakaibang malinamnam na lasa.

Maraming mga tao ang gustong kumain ng sikat na prutas na at ito sapagkat sinasabing naglalaman ito ng mataas na “nutritional value”. Ang lanzones o langsat ay mayaman sa “antioxidants, calcium, iron, manganese, zinc, magnesium, copper, potassium, at phosphorus”. Bukod dito, naglalaman din ito ng mga bitamina A, B, C, “thiamine, ascorbic acid, riboflavin, pantothenic acid, niacin, at fiber”.

Ito ay nagtataglay ng mga kapaki-pakinabang na katangian na ginagawang daan upang labanan ang iba't ibang uri ng mga sakit. Kasama sa listahan ay ang “anti-redness, antibacterial, antiviral, at antimicrobial properties” na higit na mahalaga sa medisina o sa pag papanatili ng maayos na kalusugan ng tao.


* Sakit Sa Puso

Ayon pa sa mga ekeperto, ang langsat mayaman sa ”niacin” o bitamina B3. Ito ay tumutulong sa ating katawan na ma-ilabas ang masamang kolesterol na naipon sa ating mga arterya. Na kung saan, napipigilan nito ang panganib na magkaroon tayo ng mga sakit sa puso. Ito rin ay tumutulong na bawasan ang panganib ng kanser. 

* Kanser

Tulad ng iba pang mga tropikal na prutas, gaya ng saging at papaya, ang mga langsat ay nababalot din ng mga “antioxidant” na tumutulong sa ating katawan upang masira ang mga masasamang “free radicals”.

Ang “free radicals” ay nakakapag dadag ng tyansang magkaroon ang tao ng mga malalang sakit gaya ng kanser. Sa pamamagitan ng regular na pag kain ng prutas na ito, makakaya ng ating katawan na labanan ang maraming nakamamatay na sakit ng mas epektibo.

* Malinaw Na Mata

Tumutulong din ito na panatilihin ang abilidad ng ating mata na makakita ng maayos. Ito ay dahil ang Vitamin A na taglay nito ay isa sa mga may pinaka kapaki-pakinabang na sustansya na matatagpuan sa bawat piraso ng prutas ng langsat.

* Mascular Degeneration

Natutulungan nito ang ating mga mata sa pamamagitan ng pagpigil sa mga sakit sa mata tulad ng tinawag na “mascular degeneration” at katarata.

* Problema Sa Pagdumi

Nababawasan din nito ang mga sakit sa tyan o ang hirap sa pagdumi. Ang regular na pagkonsumo ng mga langsat ay makakatulong na mapanatiling regular ang pag galaw ng mga bituka ng ating tyan. Ito ay dahil sa mataas na bilang ng hibla ng pandiyeta o “fiber” na nagpapaginhawa sa mga sintomas ng sakit ng tyan at maiwasan ang pagkadumi ng walang humpay.

Ang isang 100-gramo ng mga langsat, o halos 3 1/2-onsa, ay naglalaman ng humigit kumulang na 2 gramo ng “fiber” sa bawat pagkain nito.



* Nakakabata

Sikat din ang prutas na ito sa mga “anti-aging properties”. Ayon sa eksperto, ang mga “free radicals” ay nagiging sanhi ng pag papaaga ng pagtanda ng tao. Ang mga langsat ay mayaman sa mga likas na “antioxidant” na tinatawag na “polyphenols” na makakatulong na mapabagal ang proseso ng pag tanda.

* Mayaman Sa Vitamin C

Bukod dito, ito ay naglalaman ng bitamina C na  gumagana din upang maprotektahan ang “lipid protein, nucleic acid, at carbohydrates” mula sa pinsala na dulot ng mga “free radicals” o polusyon o mga lason. Ito rin ay tumutulong sa pagpalakas ng “immunity” sa sakit. Ang bitamina C na laman ng  mga langsat ay kapaki-pakinabang sa pagpapanatili ng isang malakas na ”immune system” upang tayo ay may panlaban sa trangkaso, sipon at iba pang mga impeksyon.

* Para Sa Enerhiya

Mayaman din ito sa “riboflavin” o bitamina B2 na tumutulong sa pagpapanatili ng enerhiya sa ating katawan. Ang langsat ay isang “powerhouse” ng “riboflavin” at iba pang mga bitamina B, na makakatulong na mapayos na gumana ang ating “nervous system” at kabahagi din sa proseso ng katawan ng gawa ng enerhiya mula sa “carbohydrate”.

* Nakaka-Moisturize ng Balat

Ang bitamina E ay kilala sa pag  “moisturize” ng balat, pinoprotektahan ang balat mula sa mga sinag ng “UV”, at tumutulong sa pagpapagaling ng sugat. Pati ang galagid ng tao ay natutulungan din ng langsat na maging malusog. Ang nilalaman ng bitamina E nito ay maaring makatulong na tayo ay magkaroon ng isang kaaya ayang ngiti. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpapagamot ng galagid at panatilihing itong malusog. 



* Nagpapatibay ng mga Buto

Sa huli, tumutulong din itong bawasan ang panganib na dala ng ”Osteoporosis”. Kung ang tao ay may regular na pagkonsumo ng mga langsat, ito ay maaring makatulong na mapalakas ang antas ng posporus ng ating katawan. Ang mineral na ito ay kinakailangan para sa “mineralization” ng buto. Gumagana ito kasama ang “calcium” upang mapanatiling malakas ang ating buto, na tumutulong naman upang maiwasan ang sakit na “osteoporosis”.

Sadyang napakaraming benepisyo ng prutas na langsat. Nakakalungkot nga lang isipin na ang prutas na ito ay “seasonal” o hindi makikita buong taon.

Kinikilala ng mga lokal ang regalong ito ng magandang ani at masarap na langsat sa taunang pagdiriwang ng “Lanzones Festival” sa buwan ng Oktubre. Ang Lanzones ay isang pana-panahong prutas sa Pilipinas, ang tipikal na mga buwan ng pag-aani ay Marso, Abril at Oktubre.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,147,Celebrity Houses,9,Celebrity Stories,247,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,5,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,377,Tips,61,Trending,397,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Lansones: Isang Ordinaryong Prutas Na Meron Tinataglay Na 10 Kakaibang Benepisyo
Lansones: Isang Ordinaryong Prutas Na Meron Tinataglay Na 10 Kakaibang Benepisyo
Lanzones
https://1.bp.blogspot.com/-EO5kfZKsSk4/XVt_A3XRFsI/AAAAAAABo2I/oOc63aOSUwErWGwwNOYL81ZTHy-xZ9VKACLcBGAs/s640/lansones.png
https://1.bp.blogspot.com/-EO5kfZKsSk4/XVt_A3XRFsI/AAAAAAABo2I/oOc63aOSUwErWGwwNOYL81ZTHy-xZ9VKACLcBGAs/s72-c/lansones.png
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/08/lansones-isang-ordinaryong-prutas-na.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/08/lansones-isang-ordinaryong-prutas-na.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy