Relationship,
Malaki na ang pinagbago ng ating panahon. Malaki ang naging epekto ng modernong teknolohiya sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Bagamat malaki ang naitulong nito sa ating mga buhay, hindi pa rin natin maipagkakailang may mga hindi ito kanais-nais na naging epekto sa atin. Kasabay kasi ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang paglago ng kaisipan ng mga taong mapagsamantala. Ginamit ng mga taong mapagsamantala ang teknolohiya upang makapanloko ng mga tao na walang kamalay-malay.
Dahil sa makabagong teknolohiya, gumagamit na ang mga tao ng mga gadgets upang makahanap ng pag-ibig. Kung hindi sila pinalad sa kanilang bansa na makahanap ng kanilang pag-ibig, naghahanap sila ng mga tao mula sa ibang bansa na maaari nilang maging kasintahan.

Delikado ang ganito dahil maaaring niloloko ka lamang ng iyong kausap sa cellphone.
Ganito nga ang nangyari sa isang migranteng trabahador mula sa Indonesia na si Yusuf. Nagtrabaho siya sa South Korea upang kumita ng mas malaking pera.

Ganito nga ang nangyari sa isang migranteng trabahador mula sa Indonesia na si Yusuf. Nagtrabaho siya sa South Korea upang kumita ng mas malaking pera.
Sa tulong ng socmed, nakilala niya ang isang Indonesian na babae. Bagama't hindi pa sila nagkikita sa personal, nahulog agad ang kaniyang puso rito dahilan upang maging magkasintahan silang dalawa. Hindi naging hadlang ang distansya para sa kanilang dalawa.
Tuwing nagvi-video call naman sila, palaging nakatakip ng belo ang babae. Hindi naman nag-isip ng masama si Yusuf at patuloy niya pa rin itong minahal. Isang araw, niyaya na ng babae si Yusuf na magpakasal para mapatunayan ang kaniyang pagmamahal sa babae.
Ngunit nang makarating siya sa kasalan, laking gulat niya nang malaman niyang ang magandang dilag na kaniyang kasintahan ay isang matandang babae na pala sa personal. Hindi na itinuloy ni Yusuf ang kasal at sobra rin siyang nadismaya.

Napagalaman niya ring ang mga litratong kaniyang pinapadala ay litrato ng isang modelo na kinuha lamang ng babae sa internet.
Kaya naman, huwag basta-bastang magtiwala sa mga taong nakilala lamang natin sa socmed.
COMMENTS