Kimchi, Nadiskubre Na Pwedeng Maging Lunas Sa Pagkalagas Ng Buhok

Kimchi


Ang Kimchi ay isang tanyag na lutuin sa Korea. Ito ay isang tradisyonal na bahagi ng ulam na nilalagyan ng asin at mga ”fermented” na gulay, tulad ng napa repolyo at labanos mula sa Korea. Ito ay may malaki at malawak na seleksyon ng mga kasamang panimpla katulad ng gochugaru, scallions, bawang, luya, jeotgal, at iba pa.

Ang Kamchi ay puno din ng mga bitamina A, B, at C, ngunit ang pinakamalaking pakinabang nito ay maaaring nasa "malusog na bakterya" na tinatawag na lactobacilli, na matatagpuan sa mga pagkaing may ”fermented” na pagkain gaya nga ng kimchi.

Nakakatawa mang isipin pero tipikal na rin sigurong impormasyon na ang kimchi ay may isang mahusay na paraan upang mailabas ang mga laman o dumi ng tiyan. Kumbaga, pag kumain ka nito, hindi malayong ikaw ay mag “number 2”. Dahil na rin siguro sa maraming mga benepisyo nito sa ating bituka.


Pero natuklasan din ng mga siyentipiko na ang kimchi ay maaaring makatulong upang mapigilan ang pagkawala ng buhok.

Sinabi ng Daily Mail na ang mga mananaliksik sa Dankook University ay gumawa ng isang pag-aaral sa 23 kalalakihan sa pamamagitan ng paghiling sa kanila na uminom ng isang kimching inumin na ibinebenta sa South Korea (sinubukan naming maghanap dito sa Pilipinas pero wala talaga kaming makita ganiton inumin). Ang ilan sa mga ito ay nasa mga unang yugto ng pagkawala ng buhok habang ang iba naman ay nakakalbo na.


Ang mga tagubilin para sa pag-aaral na ito ay talagang simple lang: uminom ng isang kimching inumin bago mag-almusal at bago matulog.

Bago ang pag-aaral na ito, ang average na bilang ng mga buhok sa mga kalalakihan ay 85 bawat sq cm. Matapos ang isang buwan, tumaas ito sa 90. At sa 4 na buwan, nasa 92 na buhok ang tumubo sa bawat sq cm.

Nailathala sa The World Journal of Men's Health ang mga pagaaral na ito, kung saan sinabi din nila na ito ay isang makabuluhang pagtuklas at sadyang totoo ang pagdami o pagtaas ng paglago ng buhok. At sadya ring napipigilan nito ang pagkawala ng buhok sa karamihan ng mga kalalakihan.

Kung ikukumpara, ang mga kasalukuyang gamot, ay may mga “side effects” o epekto na maaring hindi maganda sa katawan at madalas ay pang samantala lamang. Di tulad ng kimchi na kung ihahambing ay mas mabuting pamamaraan ng pagpapatubo ng buhok. Dahil maliban nga sa napipigilan nito ang pag kalbo, maari pa siyang kainin nang walang hanggan.


Sinabi din ng mga eksperto na ito ay isang mas ligtas na diskarte na paggamot para sa mga pasyenteng nawawalan na ng buhok.

Ito nga ba ang sikreto ng magagandang buhok ng ating nag gagandahan at nagagwapuhang idolo mula sa Korea

 Kaya ba sadyang kakaiba ang dating ng ating mga “Oppas”?  Malamang, mula ngayon, marami na ang kakain ng kimchi dahil higit sa kakaibang nakakaengganyong lasa nito, maganda rin ang naidududlot nito sa ating katawan lalo na sa pag lago ng ating buhok.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Kimchi, Nadiskubre Na Pwedeng Maging Lunas Sa Pagkalagas Ng Buhok
Kimchi, Nadiskubre Na Pwedeng Maging Lunas Sa Pagkalagas Ng Buhok
Kimchi
https://1.bp.blogspot.com/-go2Eg7elsMQ/XWO6QbeELAI/AAAAAAABp0g/z6GV8EwqTAktI_4GnY2LsoMUB_uAXrZsACEwYBhgL/s640/kimchi%2Bbaldness.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-go2Eg7elsMQ/XWO6QbeELAI/AAAAAAABp0g/z6GV8EwqTAktI_4GnY2LsoMUB_uAXrZsACEwYBhgL/s72-c/kimchi%2Bbaldness.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/08/kimchi-nadiskubre-na-pwedeng-maging.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/08/kimchi-nadiskubre-na-pwedeng-maging.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy