Kim Chiu, Naiyak Dahil Sa Achievement Ng Kanyang Bunsong Kapatid

Kim Chiu



Masaya magkaroon ng mga kapatid dahil may makakasama ka sa mga bagay-bagay. Paminsan-minsan, may mga away tayong pinagdadaanan, ngunit sa bandang huli, hindi pa rin natin maipagkakailang magkakapatid tayo sa hirap at sa ginhawa. Ang kanilang kalungkutan at ang kanilang pagkabigo ay atin ding dala-dala, at ang kanilang tagumpay ay siya rin nating pagdiriwang. 

Ang isa’t-isa ang ating nagiging sandalan, masaya man o hindi ang isang okasyon. Suportado natin ang isa’t-isa sa karamihan ng bagay. Kaya naman talagang ibang klase at napakasuwerte natin kung mayroon tayong kapatid.

Nitong nakaraan lamang ay naging isang “proud sister” ang aktres na si Kim Chiu. Sa pamamagitan ng mga litratong ibinahagi niya sa kaniyang social media account, ibinahagi nito ang tagumpay ng kaniyang kapatid na si John Paul Yap Chiu. Si John Paul ay isang piloto na nakabase sa Canada.


Taong 2018 nang ipagdiwang ni Kim Chiu ang pagkapiloto ni John Paul matapos ang 4 na taon nitong pag-aaral. Maliban pa dito, kinailangan niya pang magtrabaho upang matustusan ang pag-aaral niya.

Ibinihagi naman ni Kim Chiu sa social media ang mga litrato kung saan sakay-sakay sila sa isang eroplano kung saan si JP ang piloto nito. Makikita rin sa ibang mga litrato kung gaano kasaya si Kim Chiu sa narating ng kaniyang kapatid. Bilang isang kapatid, todo ang suporta ni Kim kay JP at talagang naglalaan ng oras para sa kaniya.


Kung ating matatandaan, si Kim Chiu ang kauna-unahang PBB Teen Edition. Ito ang naging simula ng pag-usbong ng kaniyang karera. Bumida na rin si Kim sa napakaraming pelikula at mga  programa sa ABS-CBN. Nakapag-release na rin siya ng mga kanta na talaga namang sumikat para sa madla. Maliban sa pag-arte, at pagkanta, pinasok na rin ni Kim Chiu ang mundo ng pagsasayaw.

Isang malaking karangalan marahil para kay Kim Chiu ang magkaroon ng isang pilotong kapatid.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Kim Chiu, Naiyak Dahil Sa Achievement Ng Kanyang Bunsong Kapatid
Kim Chiu, Naiyak Dahil Sa Achievement Ng Kanyang Bunsong Kapatid
Kim Chiu
https://1.bp.blogspot.com/-A2EepR209Oo/XVuGO7ScULI/AAAAAAABo3o/Tfb_MgyssGYLw-xDPDGBp3I575Pnh_eQQCEwYBhgL/s640/kim%2Bbrother.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-A2EepR209Oo/XVuGO7ScULI/AAAAAAABo3o/Tfb_MgyssGYLw-xDPDGBp3I575Pnh_eQQCEwYBhgL/s72-c/kim%2Bbrother.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/08/kim-chiu-naiyak-dahil-sa-achievement-ng.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/08/kim-chiu-naiyak-dahil-sa-achievement-ng.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy