Trending
Ang bawat gusali, establishment, o opisina ay mayroong kanya-kanyang patakaran. Sa mga opisina ng sangay ng ating gobyerno ay mayroong ipinatutupad na dress code para sa wastong pananamit at pag-aayos, hindi lamang ng mga kawani o empleyado ng nasabing opisina, maging pati sa mga bisita o tao na magsasadya sa mga opisinang ito para sa kanilang serbisyo.
Isang halimbawa ay ang mga netizens na nagpahayag ng pagkadismaya sa pamunuan ng Hall of Justice dahil hindi nila pinapahintulutan ang mga tao na pumasok sa kanilang gusali kung naka tsinelas lamang. Marami sa mga netizens ang nagsabi na ito ay isang uri ng diskriminasyon.
Nito lamang linggong ito, sa Facebook post ng netizen na si Nancy Torrelino Boroc, ikinwento niya kung paanong hindi sila pinayagan na makapasok sa opisina ng BIR Calbayog sa probinsiya ng Calbayog, Samar.
Siya at ang kasama niyang si Xander ay hindi pinahintulutan makapasok sa opisina dahil pareho silang naka ‘short’ lamang.
Dahil si Nancy ang nakasulat sa SPA o Special Power of Attorney ng kanyang ate, sinubukan ni Nancy na kahit siya na lamang ang pumasok sa loob ngunit laking gulat niya nang hindi pa rin siya papasukin ng gwardiya, kahit pa daw siya ay nakasapatos.

Espesyal ang kondisyon ni Nancy. Siya ay isang PWD o Person with Disablity at sa kanyang sitwasyon ay hindi siya makakapagsuot ng mahabang pantalon dahil wala siyang mga binti. Bagamat siya ay nakakatayo at nakakalakad na mag-isa, shorts lamang ang maaari niyang isuot dahil putol ang kanyang mga tuhod hanggang paa.
Maraming netizens ang nagalit at umalma sa inasal ng nasabing security guard na dapat daw ay napagsabihan tungkol sa mga karapatan ng PWD at dapat matuto kung ano sa mga batas nila o alituntunin ang dapat bigyan ng konsiderasyon depende sa sitwasyon.
COMMENTS