LGBT
Alam natin lahat na ang LGBT ay groupo ng mga lesbian, gays, bisexual, at transgenders na kung saan marami sa kanila ang gustong ipasa ang Senate Bill 935 (Anti-Discrimination Bill) at House Bill 4982 (SOGIE Equality Bill), ngunit marami din sa kanila ang hindi pabor dito.
At kamakailan lamang, isang miyembro ng LGBT community ang naglahat ng hindi niya pagsang-ayon sa nasabing bill.
Sinabi nito na hindi naman na kailangan ipasa ang nasabing bill dahil mayroon ng iba't ibang batas na nagpoprotekta sa karapatan ng bawat isa laban sa diskriminasyon. Sinabi din niya na marami din ang nakakaranas ng diskrimasyon dahil sa pangangatawan, tangkad, at sa iba't ibang dayalekto, pero hindi gumawa ang gobyerno ng bill para dito dahil nga mayroon ng na ilabas na batas na magtitiyak na iniiwasan ang kahit anong uri ng diskrimasyon.
Sinabi din nito na hindi na kailangan ng SOGIE Equality Bill dahil ang mga Pinoy ay likas na na tinatanggap ang lesbians, gays, bisexuals and transgenders. Sinabi din niya na ang mga LGBTs ay tinatanggap at minamahal, na kung saan marami sa kanila ang nagsisilbing pangunahing breadwinner at tagapag-alaga.
Sinabi din nito na ang mga inimungkahing mga batas ay maaaring magamit bilang instrumento para lumabag sa kalayaan ng relihiyon at kalayaan upang mabuhay ang ating pananampalataya. At ang pilitin ang religion an baguhin o isatabi ang mga tenet nito ay masyado ng walang katotohanan katulad ng pagpipilit sa mga LGBT na baguhin ang kanilang sekswal na oryentasyon at pagkakakilanlan ng kasarian.
Sa dulo ng post, hinihimok niya na wag na lamang ipatupad ang Senate Bill 935 (Anti-Discrimination Bill) at House Bill 4982 (SOGIE Equality Bill).
Ano nga ba ang SOGIE Equality Bill?
Ang SOGIE Equality Bill ay tinatawag din na Anti-Discrimination Bill, na layunin na maiwasan ang iba't ibang pang-ekonomiya at pampublikong aksyon na may kinalaman sa diskriminasyon laban sa mga tao batay sa kanilang sekswal na oryentasyon, pagkakakilanlan ng kasarian o pagpapahayag.
As an LGBT, as a Catholic, as a man of faith, as a Filipino, I urge the Senate and the House of Representatives NOT to pass Senate Bill 935 and House Bill 4982.
COMMENTS