Isang Judge Kinahangaan Matapos Bigyan Ng Pagkakataon Ang Dating Preso Na To

Judge


Sa karamihan ng mga taong nanggaling sa kulungan, hindi maikakaila na ang lipunang kanilang binabalikan ay hindi mapagbigay ng pangalawang pagkakataon. Ang mga nagawang mali sa nakaraan ang nagdidikta ng kanilang buhay sa labas ng kulungan.

Pero pano nga ba sila makakabangon? Kung lubos na nilang pinagsisihan ang mga kasalanang kanilang nagawa, masasabi nga bang may pagkakataon pa silang mag bagong buhay? Wala na ba talagang pag kakataon na sila ay magsimulang muli?

Isang nakakantig na post ang naibahagi ng isang netizen sa facebook patungkol sa isyu na ito. Nabanggit niya na siya ay nagtungo sa korte isang umaga matapos dalhin ang kanyang anak na lalaki sa paaralan. Hindi niya nabanggit ang dahilan kung bakit siya nagtungo sa korte pero nakakagulat ang kanyang mga nasaksihan.

Ang taong nakasuot ng asul na Tshirt, gaya ng makikita sa larawan, ay isang exconvict na nililitis ng hukom sa oras na iyon, at sinasabing may higit na $ 3.000.00 o nasa Php 154,500 na bayarin sa mga tiket sa trapiko. Ang bayarin na ito ay naipon sa loob ng 3 taon at kakalabas lang daw ng preso na ito sa kulungan dalawang buwan na ang nakalilipas. Ito ay nagsususmikap daw na maghanap ng trabaho ngunit dahil nga sa kanyang mga kirminal na rekord o nakaraan, ito ay nahihirapang makahanap ng pagkakakitaan.


Masasabing dahil na rin marahil sa katapangan nitong maging responsible sa pagharap sa huwes o “judge” para mapatunayang pinipilit niyang magbagong buhay, inawat na ng judge na magsalita pa muli ang lalake. Sabi ng nagkwentong netizen, hindi man daw eksaktong mga salita pero ganito ang kanyang natunghayan:

“Tumingin ka, alam kong ang sistema natin ay hindi nagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga kagaya mong galling sa kulungan. Sa katotohanan nga, ang buog ideya sa reporma ay ganyan talaga ang sistema. Ngunit ako ay isang anak ng Diyos at naniniwala ako sa pangalawang pagkakataon. Hindi ka makakausad sa buhay kung nakbinbin sayo ang mga bayarin na ito ang iyong nakaraan o kirminal na rekord. Wala akong magagawa sa nakaraan mo o di ko kayang baguhin ang rekord mo bilang ex-konbik pero magagawa kong alisin sa iyong balikat ang bigat ng mga kailangan mong bayaran ngayon. Bilang hukom, buburahin ko ang lahat ng rekord mo sa mga dapat bayaran o ang $3,000 at magbibigay sulat din ako para ibalik na ang lisensya mo upang makapag maneho muli. Alam kong pinagbayaran mo na ang mga utang mo sa lipunan, ngayon ibinibigay ko sayo ang pag kakataon na mag bagong buhay.”

Tuwang tuwang ibinahagi ito ng netizen at sinabi pang ang pangalang ng judge o huwes ay Edward Hasbrook. Dagdag pa ng netizen, ang pagkakaton nga raw na ito ay nagpapatunay na hindi lahat ng putting amerikano ay laban sa mga amerikanong iba ang kulay ng balat. Na hindi rin daw lahat ng nasa sistema ay kontra o walang pakielam sa mga kagaya nila.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Judge Kinahangaan Matapos Bigyan Ng Pagkakataon Ang Dating Preso Na To
Isang Judge Kinahangaan Matapos Bigyan Ng Pagkakataon Ang Dating Preso Na To
Judge
https://1.bp.blogspot.com/-soeJR_DisRY/XWPDw3-wVNI/AAAAAAABp1M/f4D83YQFaZAbpnMn4AOIe8slrTaJBkZtQCLcBGAs/s640/second%2Bcahnce.PNG
https://1.bp.blogspot.com/-soeJR_DisRY/XWPDw3-wVNI/AAAAAAABp1M/f4D83YQFaZAbpnMn4AOIe8slrTaJBkZtQCLcBGAs/s72-c/second%2Bcahnce.PNG
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/08/isang-judge-kinahangaan-matapos-bigyan.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/08/isang-judge-kinahangaan-matapos-bigyan.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy