Isang Guro, Pinainom Ang Kanyang Mga Estudyante Ng Sariling Ihi Dahil Nakakagaling Daw Ito Ng Sakit

Teacher


Alam natin na ang mga balita tungkol sa kalusugan ay patok talaga sa karamihan ngunit ang isang ito ay sadyang nakakainis. Mayroong isang balita na nagtrending at nagkalat sa Thailand dahil sa ideyang ang pag-inom ng ihi ay nakakabuti sa ating kalusugan.

Kamakailan lamang, isang medical consultant na si Doctor Phoomphet Dethastin, ang dumulog sa Teachers Council ng Thailand sa Facebook upang siyasatin ang isang guro ng paaralan sa lalawigan ng Khon Kaen matapos matuklasan na ang guro ay lihim na hinahalo ang kanyang sariling ihi sa tubig para inumin ng kanyang mga mag-aaral sa elementarya.

Ang nasabing guro ay nagpost mismo tungkol sa “magic water”, na nagsasabing nagpagaling ng isang bata sa sakit ng tiyan sa loob ng 30 minuto lamang pagkatapos inumin ang tubig. Inilahad pa niya na may 30 mag-aaral na siyang nakumbinsi na uminom ng nasabing tubig na pinaghalong ihi niya sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga bata na ang likido ay holy water na mula pa sa templo.


Dahil dito, nagalit ang mga netizens nang malaman na ang guro ay nagsisinungaling sa mga bata para lang mabigyan ng katuturan ang kanyang pagkahumaling sa nakakasukang obsession sa kalusugan. Ang ilang mga netizens ay nagulat rin dahil may mga nabubuhay pa palang taong ganito.

Ang iba ay iminungkahi na dapat ang guro muna ang nag-eksperimento sa kanyang sariling katawan at hindi ang mga bata, lalo na siya ay may tungkulin bilang isang guro.

Sa kasamaang palad, hindi lang ito ang kaso ng isang tao na ang ihi ay hinahalo sa mga pagkain nang walang kaalaman ang mga taong kumokonsumo nito.


Isang noodle vendor ang nag-post kamakailan tungkol sa isang espesyal na sangkap na inilalagay nito sa kanyang binebentang noodles na ayon sa kanya ay nakakapagpawi ng mga sakit ng kanyang mga costumers na mula sa kani-kanilang trabaho. Napabalitang inilalagay niya ng patago ang kanyang ihi sa nasabing soup upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan kung sakaling malaman ito ng mga customers.

Ang mas nakakagulat pa rito ay ang katotohanan na ang kanyang mga costumers ay patuloy na bumabalik sa kanya dahil nga raw nababawasan ang mga nararamdamang sakit nila dahil sa noodles na kanilang kinakain.


Habang ang ilan ay naniniwala na ang pag-inom ng ihi ay maaaring mapabuti ang kanilang immune system at pagalingin ang sakit ng kalamnan, si Doctor Phoomphet ay nagpost sa Facebook upang ilangtad ang paniniwalang ito, na sinasabing ang paraang ito ay ginamit noong unang panahon nang ang modernong gamot ay hindi pa nadidiskubre upang matugunan ang mga isyu sa kalusugan.

Kaya, payo lamang ito, hindi lahat ng mga usong gamot pangkalusugan ngayon ay kailangang subukan. Mas maigi pa ring kumonsulta sa isang doctor o manggagamot kung may nararamdaman mang sakit. Ikaw papayag ka bang uminom ng ihi para lamang mapabuti ang iyong kalusugan?

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Guro, Pinainom Ang Kanyang Mga Estudyante Ng Sariling Ihi Dahil Nakakagaling Daw Ito Ng Sakit
Isang Guro, Pinainom Ang Kanyang Mga Estudyante Ng Sariling Ihi Dahil Nakakagaling Daw Ito Ng Sakit
Teacher
https://1.bp.blogspot.com/-KDZVqP5p7bI/XWhxUHKdsbI/AAAAAAABqOw/w8WcVw7XfVcjo9lt_4LkwkYunStKS6ZcACEwYBhgL/s640/teacher%2Bthai.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-KDZVqP5p7bI/XWhxUHKdsbI/AAAAAAABqOw/w8WcVw7XfVcjo9lt_4LkwkYunStKS6ZcACEwYBhgL/s72-c/teacher%2Bthai.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/08/isang-guro-pinainom-ang-kanyang-mga.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/08/isang-guro-pinainom-ang-kanyang-mga.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy