Boss, Mother
Sa ibang mga kumpanya, ang mga empleyado ay binibigyan ng tinatawag na compassionate leave sa mga pangyayaring hindi inaasahan na mayroong miyembro ng pamilya na pumanaw. Ngunit, isang kumpanya sa bansang Thailand ang binabatikos ngayon dahil sa kawalan ng konsiderasyon umano sa ganitong sitwasyon.
Bukod pa diyan, kinuwestiyon pa daw ng boss ang empleyado na ang tanging pakiusap lamang ay makadalo ng libing ng nanay niya.
Nobyembre 28 ng isang Thai ang mag tweet ng kanyang pagkadismaya sa kanyang boss dahil sa mga sinabi nito sa kanya.
Ayon sa tweet, na nasa wikang Thai, "Gigising ba ang iyong Ina kapag pumunta ka sa burol nya? Diba matutuloy naman ang kremation kahit wala ka? So, di ka magleleave."
Dahil sa pangyayaring ito, napagpasyahan ng empleyado na magpasa ng resignation letter at umalis ng nasabing kumpanya, imbes na dapat ay magfifile lamang siya ng leave.
Ang mga tweet ng nasabing empleyado ay mabilis na kumalat sa social media sa Thailand na nagging ugat din ng pagkwekwento ng iba pang mga empleyado ng kani kanilang mga hindi magandang karanasan mula sa kani kanilang kumpanya.
Mayroon pang isa na nagkwento na kahit bagong opera lamang siya at kasalukuyang nasa ospital pa at nagpapagaling ay pinipilit siya ng boss niya na gumawa ng Powerpoint presentation.
“I was in the hospital for one whole week and I didn’t receive any phone call or well wishes from my boss.”
Napakasakit kapag nangyari ito sa atin. Iyong huling pagkakataon na makita natin ang mahal nating magulang, ay napaimportante sa lahat. Sa palagay ninyo, ano kaya ang nasa isip ng kanyang boss para masabi ang ganoong bagay?
COMMENTS