Gerald Anderson
Alam ng karamihan na ang mga ina ay laging nandiyan para sa kanilang mga anak. Hindi nila kayang matiis ang sakit na nararansan ng kanilang anak lalo na kung nahaharap sa mga kaguluhan at kontrobersya. Ito ang ginawa ni Mommy Evangeline "Vangie" Opsima sa kanyang anak na si Gerald Anderson.
Ipinagtanggol niya ang kanyang anak na si Gerald laban sa mga akusasyon ng ex-girlfriend actress na si Bea Alonzo, pati na rin ang mga bashers na patuloy na bina-bash online ang kanyang anak na si Gerald Anderson.
Hindi na napigilan ni Mommy Vangie ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng panayam sa ABS-CBN News sa General Santos City. Inamin niya na labis siyang nalungkot matapos niyang marinig ang lahat ng mga akusasyon laban sa kanyang anak, na nagmula sa kampo ni Bea Alonzo.
“Lagi mong pinapatamaan ang anak ko. Ano na ba kasama si Gerald?” pahayag ni Mommy Vangie para kay Bea.
Idinagdag din ng ina ni Gerald na tila raw hindi patas ito dahil walang sinabing pahayag si Bea nang ito at ang aktor na si Zanjoe Marudo ay naghiwalay, pero kay Gerald ay hayagang pinag-uusapan.
“Hiniwalayan mo si Zanjoe. You didn’t say anything laban kay Zanjoe. Naghiwalay kayo na matagal kayong [may] relasyon na ilang taon. Dumating sa buhay mo si Gerald. Ngayon tuwing may kamali ang anak ko, tuwing may nagawang mali si Gerald, agad kang lumantad sa TV. Niliit mo ang anak ko,” pahayag ng ina ni Gerald.
Ibinahagi rin ni Mommy Vangie na siya ay hindi boto sa aktres at nakipagtalo rin ito sa kanyang anak tungkol dito.
“Bea, siguro alam mo na ako walang gusto sa’yo bilang naging girlfriend ng anak ko. Pero wala akong magagawa, ginusto ka ng anak ko. Ina niya lang ako,” ayon kay Mommy Vangie.
“Ginusto ka ng anak ko, minahal ka ni Gerald. Hindi ka niya binastos kailanman,” dagdag pa nito.
Tulad ng iba pang mga ina, sianabi niya na dapat ay pag-usapan na lang nila ng personal ang kanilang mga problema sa halip na ipakalat pa ito sa publiko.
“Ngayon kung may problema kayong dalawa, bakit hindi kayo nag-uusap dalawa? Instead na lumantad ka agad sa TV,” pahayag nito. “Hindi masamang tao ang anak ko.”
Sa huli, humingi ng tawad si Mommy Vangie sa kanyang anak dahil nagsalita ito tungkol sa isyu, na nagsasabing bilang isang ina ay hindi na niya ito mapigilang tumahimik lamang.
“I’m sorry RJ, I know you’re going to get mad to Mama. I think, son, it’s time to voice out anong naramdaman ko, saan nasasaktan si Mama,” pahayag ni Mommy Vangie para kay Gerald.
Anong masasabi niyo sa mga pahayag na binitawan ng ina ni Gerald na si Mommy Vangie? Sa tingin niyo ba may point ang ina ni Gerald?
COMMENTS