Coffee, Student,
Marami na tayong mga nakitang istorya patungkol sa mga taong gumagamit ng kakaibang diskarte upang makapagpursige lamang sa buhay. Hindi biro ang maging isang estudyante lalung-lalo na at hindi sapat ang kinikita ng iyong magulang upang matustusan ang iyong pag-aaral at ang pangaraw-araw na pangangailangan ng iyong pamilya.
Ito ang karaniwang naguudyok sa atin upang makaisip ng mga paraan upang matustusan ang ating sariling pangangailangan at gastusin sa eskwelahan. Ang iba’y nagtatrabaho habang nag-aaral, at ang iba nama’y nagnenegosyo sa loob ng paraan.
Ito ang kuwento ng isang estudyanteng nagngangalang Paolo Gulapa.
Kumalat ngayon sa social media ang good vibes na hatid ni Paolo nang kunan siya ng kaniyang kaklaseng si Aldreen Siplon ng litrato at ibahagi ito sa social media.
Sa mga litratong ibinahagi ni Aldreen, pinapakita nito si Paolo na busy sa kaniyang negosyo sa loob ng paaralan. Binibenta niya lang naman ang natatanging kailangan ng kaniyang mga kaklase maliban sa mga school supplies: kape.
Bitbit ang termos na may mainit na tubig, nagtitindi siya ng kape sa loob ng kanilang classroom na may kasamang paper cup at kape.
Kailangan niyang gawin ito upang makatulong siya sa kaniyang mga magulang lalo na kung may mga bayarin sa eskwela.
Sa katunayan, para kay Aldreen, parehas naman silang nagbebenepisyo ni Paolo sa kaniyang negosyo dahil kailangan nilang manatiling aktibo at gising sa klase at kailangan rin ni Aldreen ng pera para sa kaniyang mga magulang.
Sa katunayan, para kay Aldreen, parehas naman silang nagbebenepisyo ni Paolo sa kaniyang negosyo dahil kailangan nilang manatiling aktibo at gising sa klase at kailangan rin ni Aldreen ng pera para sa kaniyang mga magulang.
Maraming mga netizen ang nawili sa ginawang ito ni Paolo. Kakaunti na lamang ang mga estudyanteng may kakayahang dumiskarte para makatulong kahit papaano sa kanilang mga magulang.
Nawa’y maging isang inspirasyon si Paolo sa lahat ng mga estudyanteng may pinagdadaanan lalo na sa pinansyal. Sana ay makamit rin ni Paolo ang kaniyang mga mithiin sa buhay.
COMMENTS