Celebrity
Si Diether Ocampo o kilala din bilang “Diet” ay isa sa mga hinahangaang aktor nung 90’s. Una siyang nadiskubre bilang dancer hanggang sa isa siyang naging artista ng ABS-CBN. Marami sa mga proyekto niya ang tumatak sa mga taga hanga lalo na ang mga pelikulang Nasaan Ka Man, Dahil Mahal na Mahal Kita, Because of You at Ano Bang Meron Ka.
Nuong 2018 ang pagbabalik niya sa pamamagitang ng fantasy series sa telebisyon na Bagani.
Kung kaya’t marami ang nagulat nang lumabas ang litrato ni Diether Ocampo na naka uniporme ng PCGA o Philippine Coast Guard Auxillary sa Heritage Hotel sa Maynila para sa 1st Multi-District Convention ng mga opisyal ng PCGA, bilang isang Lieutenant Commander.
Pebrero ng 2018 nang sumali ang dating matinee idol sa volunteer organization na ito ng Philippine Coast Guard. Naging aktibo siya sa mga gawain at aktibidad katulad ng trainings, indoctrination ceremonies, orientations, seminars at mga ilang community outreach programs.
Sa kasalukuyan ay nagsasanay din si Diether Ocampo bilang isang seaman.
Ayon sa mga inilabas na larawan at impormasyon ng Facebook page ng Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training (PHILCAMSAT), dumaan ang aktor sa pagsasanay at malaki ang pagbabago na naidulot nito sa kanyang pananaw tungkol sa buhay at karagatan.
Masarap na maging bahagi ng isang industriya na naging malaki ang kontribusyon hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Marami tayong kababayan na hindi nabibigyan ng pansin,” saad nito.
“Nakilala ko lalo kung sino ako. Nakilala ko ang mga Pilipino, nakilala ko kung gaano kayaman ang Pilipinas pagdating sa tao. Kaya nagdesisyon ako na mas mabuti pa siguro na pasukin ko ang mundo ng seafarer.” dagdag pa niya.
Ang PCGA ay isang boluntaryo at pribadong organisasyon ng sibilyan na itinatag ng Philippine Coast Guard taong 1972.
Kasama sa mga tungkulin nila ay ang pagbigay suporta sa Philippine Navy o caost guard sa mga panahon na disaster relief, community service, marine safety, environmental protection at search and rescue.
COMMENTS