Trans Issue
Siguradong marami na sa atin ang alam ang isyu na nagviral ilang araw na ang nakalipas sa isang transgender woman at ang nangyari sa kaniya sa loob ng comfort room sa isang mall.
At kamakailan lamang nga, ang kopya ng CCTV footage ay nasa kamay na ni Senate President Tito Sotto na magpapatunay ng tunay na nangyari sa loob ng comfort room sa Farmers Plaza Mall at bubuo rin sa ating mga katanungan sa Facebook live video ng transgender woman na si Gretchen Diez.
Idinetalye ni Senator Sotto ang lahat ng kaniyang nakita sa CCTV footage sa kaniyang interview kay Ted Failon sa DZMM noong Agosto 19.
Kwento ng Senator,
"May pila sa ladies' room. Paglabas nung isang babae, nagreklamo sa dalawang janitress na may lalaki sa loob. Parang ganun ang sinasabi. Hindi naman nila pinansin kasi wala naman silang nakitang hitsurang lalaki."
"May isa pang sumunod, nagturo na sa linya daw, hindi raw babae, nakabihis na babae. Nilapitan nung janitress, sinabi sa kanya na, 'Huwag na lang dito dahil may nagrereklamo.' Itinuro siya dun sa PWD, or doon sa other nila, third toilet nila."
Sinabi din ni Sotto na dinala ng janitress sa Diez sa toilet para sa mga PWD, ngunit ito ay okupado nang mga oras na iyon.
Pagkatapos, iniwan ng janitress si Diez, ngunit nang siya ay bumalik, ang trans woman ay nagsimula ng gumawa ng isang live na video sa Facebook.
Base kay Senator Sotto,
"Sa mga kababaihan, bihira ako makarinig na babae na natutuwa na mayroon, let's say, lalaking nakabihis-babae sa loob. Iba ang sitwasyon ni Congresswoman Geraldine Roman. Siya'y babae na, e. So, walang problema sa kababaihan. Pero paano yung mukhang lalaki, na lalaki pala... they feel awkward. Marami ang nagsasabi sa amin."
Ang CCTV footage ang magpapatunay na ang janitress na si Chayra Ganal ay ginawa ang kaniyang responsibilidad.
Ngunit nauwi ito sa komprontasyon ng janitress at ni Diez dahil hindi nagustuhan nito ang pag kuha ng video ng trans women sa kaniya sa papamagitan ng Facebook live.
Sa kabilang banda, si Diez sa ngayon ay in-e-enjoy ang kaniyang newfound fame na makikita sa kaniyang mga Facebook posts tungkol sa mga VIP na personal niyang nakikilala simula nang mag viral ang nasabing issue:
Nagkaroon siya ng pagpupulong kay President Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace, ang pagdalo niya sa Senate hearing tungkol sa equality issues, ang mga hashtags na #IwontBeSpeechless. #StopVictimBlaming, at ang kaniyang pictorial sa loob ng comfort room ng kababaihan habang siya ay naglalagay ng lipstick sa kaniyang labi.
Ito lamang ang ilang mga nakakabahalang palatandaan na siya talaga ay in-e-enjoy ang public attention na kaniyang nakukuha na kung saan ay normal lamang para sa mga simple at ordinaryong tao.
At dahil na nga sa mga social media post ni Diez, siya unti unting nakakatanggap ng mga negative na komento mula sa mga netizens at karamihan dito ay nagmumula sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Inaakusahan din nila si Diez sa pagiging famawhore at uhaw sa popularidad, habang ang iba naman ay nagbibigay ng kanilang simpatya sa janitress na si Ganal kung saan ay sinasabi nila na si Ganal ay dapat mabigyan ng hustisya dahil sa mga panghuhusga at pagpuna na kaniyang natatanggap.
COMMENTS