Leftist,
Kamakailan lamang, ang isa sa mga nawawalang mag-aaral na nakalap ng leftist group ay tumanggi na bumalik sa kaniyang magulang dahil ayon sa kanya, siya ay ginagamit lamang bilang "investment."
Sinabi ni Alicia Lucena, isang grade 11 na mag-aaral ng Far Eastern Univesity na siya ay kusang sumama sa Anakbayan at hindi pinilit tulad ng sinasabi ng kaniyang magulang, sa isang press conference kasama ang the House of the Representatives at Makabayan bloc.
Sinabi din niya na ang rason kung bakit siya sumali sa Anakabayan ay dahil sa kaniyang galit sa gobyerno at mga patakaran nito.
Sinabi ni Alicia na ayaw na niyang bumalik sa kaniyang ina dahil naniniwala siya na ang kaniyang mga magulang ay pipilitin siya na ibalik lahat ng gastos sa kaniya simula ng siya ay sinilang, sa kabila ng pakikiusap ng kaniyang ina sa Senate investigation.
Sabi ni Alicia,
“May sapat na akong kaalaman, parang sinasabi nila na parang obligasyon ko raw at responsibilidad ko na sumunod sa kanila dahil nag invest sila sa akin at dapat ibalik ko yun sa kanila.”
Dagdag pa niya,
“Parang investment lang ang pagiging anak, ayoko pong maging investment lang dahil hawak ko po yung sarili kong buhay, may mga sarili akong desisyon at buhay ko ito.”
Ang press conference at ang Senate investigation sa pagkalap kalap ng leftist group ay nangyari sa parehong oras kung saan ang ina ni Alicia, Relissa Lucena ay nandoon.
Maging si Senator Ronald Dela Rosa na siyang nangunguna sa investigasiyon ay hinihikayat din si Lucena na kuhanin ang kaniyang anak sa kustodiya ng Makabayan bloc.
Sabi ni Dela Rosa,
“You have all the right in this world to put your daughter in your custody.”
Ngunit sinbai ng ina ng leftist student na siya ay natatakot at nalulungkot na ang kaniyang anak ay maaaring umalis muli ng kanilang tahanan at hindi na bumalik kailan pa man.
COMMENTS