Overtime, Rashes
Minsan mayroong panahon na wala na tayong magagawa kung hindi magpuyat dahil siguro sa tambak na assignment o proyekto na kailangang ipasa kinabukasan. Ngunit pagtapos ng lahat ng iyon, wala na sigurong mas sasarap sa pakiramdam na makabawi sa tulog at bumalik sa normal na ayos ng pagtulog.
Ngunit ang isang babae sa Samut Prakan, Thailand, ang hindi nabawi ang kaniyang pagtulog matapos magtrabaho ng late night shifts at nagsimulang magkaroon ng matinding rashes sa kaniyang buong katawan dahil sa hindi pantay na immune system.
Kamakailan lamang, ang isang netizen na si Toq Taeq Kerdemee ang nagbahagi sa kaniyang Facebook account kung saan kinwento niya kung paano siya nagsimula na magtrabaho sa night shift at hindi niya nagagawang kontrolin ang oras ng kaniyang tulog. Mayroong araw na siya ay uuwi ng madaling araw ng nasa 3:00 ng umaga. Sinabi din niya na siya ay madalas makaranas ng insomnia matapos makauwi galing trabaho kung saan hindi siya nagkakaroon ng oras upang magpahinga o matulog.
Ang kaniyang hindi maayos na pagtulog ay nagpatuloy hanggang tatlong buwan nang mapansin niya na mayroon rash na nabubuo sa kaniyang katawan.
Sabi niya,
"I thought it was just a bug bite, but in the morning, it started to spread more and more. So I went to the first doctor who also told me that it was just a bug bite."
Patuloy niya na siya ay binigyan ng anti-inflammatory medication at pinauwi.
Ngunit ang mga rashes ni Kerdemee ay lumalala noong siya ay pumunta sa birthday party ng kaniyang kaibigan at kumain ng seafood. Siya ay umuwi na mayroong mapupulang blisters sa kaniyang katawan kung saan siya ay nahirapan matulog, ngunit idinahilan niya na lamang na ang kaniyang gamot na ininom ay hindi pa tumatalab.
Kinabukasan, umaga, ang kaniyang blisters ay nanatili pa din sa kaniyang katawan at nagsimula siyang magka lagnat. Siya ay pumunta ng ibang doctor na nagsabi sa kaniya na siya ay mayroong allergic reaction sa fabric softener ng kaniyang damit.
Ang doctor ay nagsimula na siyang ipadala sa dermatologist, ngunit, nagsimula na naman siyang magkaroon ng lagnat at blisters na lumilitaw sa kaniyang mga binti at mga kamay noong siya ay naghihintay ng kaniyang appointment. Ngunit ang pangatlong doctor ay sinabi na mayroon lamang siyang allergic reaction at binigyan siya ng injection upang mabasawan ang pamamaga.
Ani Kerdmee na siya ay umuwi upang magpahinga, iniisip din niya na siya ay makakapagpahinga dahil sa malalang rashes na meron siya. Ngunit, ang gabing iyon ay nangyari ang hindi niya inaasahang pangyayari.
Kwento ni Kerdmee,
"I was not able to wear any clothes to sleep. My body felt like it was on fire and it felt like there were a million ants biting my body."
Ang kaniyang pamilya ay dinala siya sa ospital kung saan ang kaniyang lagnat ay nagsimula muli kung saan ang kaniyang temperatura ay umabot ng 40.2 degrees. Mabuti na lamang ang kaniyang katawan ay tumugon sa mga treatment na kaniyang pinagdaanan. Ang kaniyang dugo ay disimpektado, at na confine siya sa ibang kwarto.
Ang kaniyang lagnat ay nawala at ang mga red patches ay nagsimulang mamuo sa kaniyang balat. Sinabi ng mga doctor sa kaniya na ang kaniyang immune system ay naapektuhan dahil sa malalang sleep deprivation.
Base sa Mayo Clinic, ang ating immune system ay
"releases proteins called cytokines during sleep, some of which help promote sleep. Sleep deprivation may decrease the production of these protective cytokines. In addition, infection-fighting antibodies and cells are reduced during periods when you don't get enough sleep."
Sa dulo ng post ni Kerdmee, pinaalalahanan niya ang mga netizens, at sinabi na,
"Don't just think about making money and don't neglect any warming signs from your body. If you have abnormal conditions, you must hurry to seek medical treatment. Delaying medical treatment will make it become more serious."
Laging tandaan na ang pagbawi sa mga nasayang na tulog ay dapat lamang gawin at ang mabuting ayos ng pagtulog ay importante para ang ating katawan ay maayos na gumana.
COMMENTS