Celebrity Jobs,
Sinu-sino nga ba ang mga dating artista na may maganda nang kalagayan ngayon sa kanilang pribadong buhay?
Isa sa mga kailangan mong isakripisyo sa pag-aartista ay ang iyong pribadong buhay. Huwag mong asahang magkakaroon ka pa ng mahabang pribadong oras dahil tututukan ka ng mga taga-hangaÃt taga-suporta mo sa bawat mong galaw. Maliban pa dito, nakasubaybay rin ang media sa lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay.
Ngunit ang kasikatan ng isang artista ay hindi naman masasabi kung hanggang kailan. Maaaring itoÃy maglaho na lamang bigla o maaari ring mas pinili nilang mamuhay ng pribado at katulad ng mga normal na mga tao.
Ngunit ang kasikatan ng isang artista ay hindi naman masasabi kung hanggang kailan. Maaaring itoÃy maglaho na lamang bigla o maaari ring mas pinili nilang mamuhay ng pribado at katulad ng mga normal na mga tao.
Narito ang ilan sa mga dating artista nagtatrabaho na ngayon katulad ng ibang tao.
Sumikat noon si Makisig sa programang Super Inggo na kaniyang pinagbidahan. Maliban pa dito, nakilala rin siya dahil sa isang singing contest sa ABS-CBN.
Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya sa isang fast food restaurant sa Australia habang nag-aaral ng Culinary Arts.
Sumikat noong si Serena nang lumabas siya sa mga ilang pelikula noong kaniyang kabataan. Nang siya ay tumanda, sinunod niya ang kaniyang pangarap at ngayon ay isa nang manager sa Viacom sa New York.
Nakilala si Mikko dahil sa kaniyang pagganap sa programang G-Mik noong araw. Ngayon, nagtatrabaho siya sa Romulo Mabanta Buenaventura Sayoc and de los Angeles Law Firm bilang isang abogado.
4. Mikee Lee
Kasalukuyan namang nasa Singapore bilang isang strategy and planning professional si Mikee Lee na dating housemate noon sa Pinoy Big Brother. Kung inyong matatandaan, kasabayan niya noon ang aktres na si Kim Chiu.
Bago pa man siya maging pulis sa Toronto, Canada, naging artista muna si Constable sa ilalim ng Star Magic ng ABS-CBN.
Isa lamang itong patunay na bagamaÃt marangya ang buhay ng isang artista, hindi lahat sa kanila ay nagustuhan ang magulong mundo ng showbiz. Alam rin nating hindi lahat sa kanila ay gustong maging artista.
May iilan sa kanilang katulad din nating may kani-kaniyang mga pangarap na nais nilang tuparin na mangyayari lamang kapag nilisan nila ang showbiz.
COMMENTS