107 Taong Gulang Na Lola, Ibinahagi Ang Sikreto Para Mabuhay Nang Matagal: 'Huwag Mag-Aasawa'

Grandma Long Life


Ang pagkakataon na mabibiyayaan ng mahabang buhay ay isa marahil sa mga ipinagdarasal ng mga tao sa mundo. Napakaraming bagay ang ating nagagawa sa kakaunting panahong ating hawak, ngunit hindi maikakaila na ang pag nanais na magtagal pa sa mundong ating ginagalawan ay sadyang nakakaakit at tila mapaglaro sa ating mga isipan.

Kaya naman maraming nag susulputang paraan o mga suhesyon kung papaano makamit ang mahabang buhay, o madagdagan man lang ang ating panahon sa mundong ibabaw. Narito ang isang nakakatuwang kwento na inyo sanang kapulutan ng aral.

Kung tatanungin mo ang isang tao kung ano ang kanilang lihim sa mahabang buhay, ang sagot na karaniwan mong makukuha ay ang kanilang pag kain ng tama, pagiging malusog at regular na pag-eehersisyo. Ngunit ang isang ginang ay nagbigay ng isang medyo kakaiba at nakakagulat na sagot.


Ang ginang na aming tinutukoy ay kakadiwang lamang ng kanyang 107 na kaarawan. Nakakagulat pero tunay nga, tama ang iyong nabasa, siya ay 107 taong gulang.  At ang kanyang lihim sa mahabang buhay ay walang iba kundi – ang hindi kailanmang pagpapakasal sa kung sino man.

Naibalita ng CBS New York na si Louise Signore ay nag diwang ng kanyang kaarawan noong Hulyo sa JASA Bartow Senior Cente.

Si Ginang Louise Signore ay ipinanganak sa Manhattan New York  noong 1912, ngunit lumaki siya sa Bronx (kung saan nagmula ang sikat na artista at mananayaw na si JLo) kung saan siya nakatira mula pa noong siya ay 14 taong gulang pa lamang.

Ang masayahing ginang na ito na panay ang suot ng kulay rosas ay may isang nakaka aliw na talento na tila laging nagbibigay saya sa kanyang mga kasamahan sa tahanan ng mga matatanda. Ang kanyang kaibigan na si Deborah Whitaker, ay nagsabi na si Louise ay walang kasing lakas sa kanyang edad.


Dagdag pa ni Deborah na si Louise ay walang kapaguran, panay ang lakad ng walang tungkod o “wheelchair” at panay ang pamimili ng kanyang mga pangangailangan kahit magisa lang siya.

"Sa palagay ko, ang koneksyon niya sa kanyang mga kapitbahay sa komunidad at pati na rin ang kanyang mga kaibigan dito sa senior center ay nakakatulong upang mapanatili niya ang kanyang sigla," sabi ni Aisha Parillon, ang “senior director” ng mga “senior service” ng JASA.

Inihayag ng babaeng Italyanong ito na sumasayaw pa rin siya araw-araw at naglalaro ng “bocce”, na kung saan ay isang larong ginagawa pa noong Sinaunang Roma na ginagamitan ng mga bola. Sinabi rin ni Louise na siya ay nabubuhay ng mag-isa at ito ang tunay na pangunahing susi sa mas kaunting stress sa kanyang buhay.


Sinabi ni Louise, "Sa palagay ko ang sikreto ng 107 kong edad ay: ang hindi ko pagpapakasal. Sa palagay ko ito ang sikreto. Nasabi pa ng aking kapatid kung minsan na 'sana hindi na lang ako nagpakasal'. "

"Kung mayroon silang programang pang ehersisyo, ginagawa ko ang pag eehersisyo. Kung sumasayaw sila, sumasayaw din ako. Gumagawa pa rin ako ng kaunting pagsasayaw kahit tapos na sila. Matapos ang aking tanghalian, naglalaro naman ako ng bingo, pagkatapos nun buo na ang araw ako. " dagdag pa niya.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,333,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,447,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: 107 Taong Gulang Na Lola, Ibinahagi Ang Sikreto Para Mabuhay Nang Matagal: 'Huwag Mag-Aasawa'
107 Taong Gulang Na Lola, Ibinahagi Ang Sikreto Para Mabuhay Nang Matagal: 'Huwag Mag-Aasawa'
Grandma Long Life
https://1.bp.blogspot.com/-EtiLJN1qqtE/XWIWbraxRxI/AAAAAAABptw/W9x-lHqTWMEE7MtFGHmt1NAphPstRh2vwCEwYBhgL/s640/grandma%2Blong%2Blife.png
https://1.bp.blogspot.com/-EtiLJN1qqtE/XWIWbraxRxI/AAAAAAABptw/W9x-lHqTWMEE7MtFGHmt1NAphPstRh2vwCEwYBhgL/s72-c/grandma%2Blong%2Blife.png
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/08/107-taon-na-lola-ibinahagi-ang-sikreto.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/08/107-taon-na-lola-ibinahagi-ang-sikreto.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy