10 Posibleng Dahilan Bakit Naghahanap Pa Ng Iba Ang Mga Lalake

Relationship,



Halos lahat ng mapapanuod mo sa pelikula o sa telebisyon, iisa ang tema – pakikiapid. Mistula ngang ang pakikipagrelasyon ng isang taong may asawa na sa iba ay nagiging ‘uso’ o napapanahon. Kumabaga, ordinary na lamang na pangyayari ito at hindi na dapat ikagulat pa.

Ang pangyayaring ito ay hindi na nga nakapagtataka. Marahil nangyayari na rin ito nuon nguni hindi kasing lala ng mga pangyayari o sitwasyon ngayon. Kahit sa mga kilalang personalidad ay hindi ligtassa mga ganitong klaseng intriga.

Maraming pagkakataon na ang pakikiapid ay nagsisimula sa inosenteng pangyayari, nagsimula sa pagkakaibigan na umusbong sa maling pagtitinginan. Marami sa mga babae ay pinapalampas ang mga kalokohan ng kanilang asawa dahil nais nilang proteksyunan ang kanilang pagsasama.



Ngunit kapag kapag ang ganitong mga pangyayari ay paulit ulit lamang, dito kadalasan nasisira ang mga pamilya.

Ayon sa mga survey, masasabi na ang insidente ng pakikiapid ay tumataas mula 13% hanggang 20%,  sa mga mag asawang may edad 40.

Ang pinakamalaking tanong ng nakararami, bakit nangangaliwa si mister?

1. Dahil sa pangangailang emosyonal at psychological

May ibang mga lalaki ang naghahanap ng mother figure sa kanilang kapartner. Ang ibang babae ay maaring mas maalaga at na fee feed ang kanyang ego na hinahanap ng mga lalaki bilang motibasyon sa mga oras ng suliranin. Maaaring mas madaming karanasan ang ibang babae kung kaya’t naibibigay niya ang mga pangangailang emosyonal ng isang lalaking may asawa na.

2. Kakulangan ng emotional support



Hindi halata pero malaki ang pangangailangan ng mga lalaki sa emosyonal na aspeto. Bihira lamang silang magpakita ng damdamin o emosyon pero oras na maglabas sila ng saloobin, madalas ay nauuwi lamang ito sa pagtatalo ng mag-asawa. Sa mga pagkakataong ito humahanpap ng kalinga sa ibang babae ang isang padre de pamilya. Naghahanap siya ng tao na uunawa at magpupuno ng emotional connection na kinakailangan nila.

3. Katuwaan lamang

Minsan, hindi naman malalim ang dahilan ng paghahanap ng iba ni mister. Iba sa kanila ay naghahanap lang ng pagkakalibangan para magkaron ng distraksyon sa mga problema.

4. Ang babae ang nagpapakita ng motibo

Walang lalaking makikiapid kung walang babaeng papaya sa ganitong relasyon. Kapag ang isang babae ay nagpakita ng motibo sa isang lalaking may asawa, maaari itong mabuyo sa tukso. May kasabihan nga, kapag ang palay ang lumapit sa manok.


5. Napupunuan ang kanilang sexual desires

Maaring kakaiba sa pandinig pero may ibang mga lalaki na ginagawang premyo sa kanilang mga sarili ang pagkakaron ng sexual relations sa iba’t ibang mga babae. Nagdudulot ito ng kakaibang pakiramdam sa kanila at tingin nila ito ay nakaka macho. 

6. Ego boost

Sa oras na pumasok ang isang lalaking may-asawa sa bawal na relasyon, nakakaramdam sila ng kakaibang kasiyahan at pakiramdam na nag eenjoy siya sa kaniyang ginagawa. Kapag may iba pang babae, maliban sa kanyang asawa na nagnanasa at may gusto sa kanya, iyon ay nagpapataas ng kompiyansa sa sarili at ego.

7. Pangangailangang pinansiyal at socio-economical



Ang isang babaeng mayaman, may maayos na trabaho at maimpluwensiya ay isang deadly combination, ika nga para sa mga kalalakihan. Mas nadaragdagan ang kanilang kagustuhan na magkaron ng relasyon sa mga babaeng malaki ang naitutulong sa kanilang promosyon sa trabaho, pagiging kilala sa komunidad na kaniyang ginagalawan at pagkakaroon ng financial independence.

8. Pareho ang kanilang mga hilig o gusto

Importante sa isang relasyon ang pagkakasundo ng pares. Musika, pulitika, isports, pagkain, pelikula, sining – mas madaling kumonek ang isang lalaki sa babaeng kapareho nya ng interes o gusto sa buhay.

9. Ang ugali na wala kay misis ay nakita niya kay kabit



Kahit gaano katagal na ang mag-asawa, dumadating sa punto na nagbabago ang ugali ng parehong panig. Minsan, ang ugaling ito ay nakikita ng mister sa ibang babae kaya nahuhulog ang kanyang loob dito.

10. Paghihiganti

Kapag tiwala ang nasira sa isang relasyon, mahihirapan ang parehong babae at lalaki na ibalik sa dati ang kanilang pagsasama na may lamat na. Bagamat bihira ang mga misis na nakikiapid, nangyayari ito sa iba kung kaya’t ito ay isa sa mga dahilan kung bakit naiisipan ng mister na gumanti sa kanyang asawa.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: 10 Posibleng Dahilan Bakit Naghahanap Pa Ng Iba Ang Mga Lalake
10 Posibleng Dahilan Bakit Naghahanap Pa Ng Iba Ang Mga Lalake
Relationship,
https://1.bp.blogspot.com/-CgZH-hqczBo/XVGYK3OwR_I/AAAAAAABn-g/eHzWflJyp8sG3LlaiqeI7X9AqY8BCJ8FQCLcBGAs/s640/Screen%2BShot%2B2019-08-13%2Bat%2B12.45.52%2BAM.png
https://1.bp.blogspot.com/-CgZH-hqczBo/XVGYK3OwR_I/AAAAAAABn-g/eHzWflJyp8sG3LlaiqeI7X9AqY8BCJ8FQCLcBGAs/s72-c/Screen%2BShot%2B2019-08-13%2Bat%2B12.45.52%2BAM.png
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/08/10-posibleng-dahilan-bakit-naghahanap-ang-mga-lalake.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/08/10-posibleng-dahilan-bakit-naghahanap-ang-mga-lalake.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy