Nitong nakaraang linggo, nagdeklara na ang Cavite ng state of calamity para magamit ng lokal na pamahalaan ang kanilang emergency funds
Dagdag pa ni Dr. Nelson Soriano "Naglagay na rin ng "fast lanes" sa mga ospital para mas mabilis na ma-admit ang mga pasyenteng may "dengue warning signs"
Ayon sa Provincial Epidemiologist nitong Wednesday, pumalo na umano sa 21 ang nasawi sa lalawigan ng Cavite ngayong taon dahil sa Dengue.
Nitong nakaraang linggo, nagdeklara na ang Cavite ng state of calamity para magamit ng lokal na pamahalaan ang kanilang emergency funds.
Nasa 15 hanggang 20 na ang pasyente ang inad-admit sa mga ospital kada araw.
Sapat naman umano ang supply ng dugo at gamot, ngunit inaasahang tataas pa ang bilang ng mga pasyente sa pagpasok ng tag-ulan.
Ano nga ba ang sintomas ng Dengue?
- Pamamantal sa katawan
- Mataas na lagnat ng isa hanggang dalawang araw
- Masakit at namumula ang mga mata
- Minsan may pananakit ng tiyan at pagdurugo ng ilong
Ayon sa Department of Health (DOH) Maaaring mag ka dengue ang isang tao ng apat na beses kahit patuloy ang paalala sa publico tungkol sa 4s.
4S Laban sa Dengue
- Search And Destroy: Ang lamok na may dalawang dengue ay namumugad sa mga malilinis na stagnant water. Kaya dapat itong tanggalin.
- Self-Protection Measures: Mainam na gumamit ng mosquito repellant o di kaya gumamit ng pantalon o long sleeves.
- Seek Early Consultation: Kapag may mataas na lagnat ng isa o dalawang araw magpasuri na sa doctor.
- Space Spraying
Kaya sana maging malinis tayo sa kapaligiran natin, para makaiwas sa dengue.
Source: ABS-CBN , DZMM
COMMENTS